Inikot ni Mayor Joy Belmonte ang Quezon Memorial Circle (QMC) upang tiyaking maayos ang isinasagawang rehabilitasyon ng pinakamalaking open space sa Lungsod Quezon.

Kasama sa mga pinuntahan ng alkalde ang QMC Underpass na lalagyan ng murals, QMC Food Park, at Garden Center.

Nagtungo rin si Mayor Joy sa konstruksyon ng mga QMC Projects. Inaasahang magkakaroon ito ng Employees’ Hall, Motorpool, food plaza, e-tricycle terminal, multi-purpose open field, mga road developments, karagdagang cycling at jogging path, lawn tennis court, retention pond, botanical kiosks, at dog park.

Kasama ni Mayor Joy sa pag-inspeksyon sina City Engineer Atty. Dale Perral, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, City Architect Lucille Chua, QMC Administrator Windsor P. Bueno at mga kawani ng QC Department of Engineering.

+18