Dahil sa mahusay at tapat na pamamahala ni Mayor Joy Belmonte sa Lungsod Quezon, nais ng De La Salle – College of Saint Benilde na maging bahagi ang alkalde ng kanilang Council of Adviser of the School of Diplomacy and Governance (SDG).

Mismong si Benilde SDG Dean Dr. Gary Dionisio ang nag-imbita kay Mayor Joy na maging kasapi ng konseho.

Kasabay nito ay inimbitahan din ng Department of the Interior and Local Government – National Capital Region (DILG NCR), sa pakikipagtulungan sa Benilde, ang alkalde sa international benchmarking program sa Washington DC at Oxford sa susunod na taon.

Layon ng Innovation, Leadership, and Good Governance Program na dalhin ang mga QC government officials at department heads sa Washington DC at Oxford upang makakalap ng mga stratehiya mula sa iba-ibang government agencies.

Napili rin ni Mayor Joy para sa learning visit ang pagtutok sa digitalization and governance, climate change initiatives, peace and order, artificial intelligence systems, cyber security, education, private and public partnerships, at ang gender and development.

Kasama ni Dr. Dionisio na nakipagpulong sa alkalde sina Luigi Pilarta at Marda Acoba mula sa DILG-NCR.