Buo ang suporta ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa pakikipagtulungan sa United Nations Human Rights upang mapalawig at mapalakas pa ang mga karapatan ng LGBTQIA+ community sa QC.
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kina Human Rights Officer Claude Cahn, Senior Human Rights Adviser of UN Higher Commission on Human Rights Signe Poulsen, Stop The Discrimination Coalition member Judith Fortin, at OutRight International Project Coordinator for Asia & the Pacific Ging Cristobal.
Ibinahagi naman ng Alkalde ang mga inclusive programs ng QC bilang suporta sa rainbow community, tulad ng Right to Care card, ang Gender Fair-Ordinance, annual QC Pride Festival, Anti-Catcalling ordinance, commitment ceremony para sa LGBTQIA+ community, at ang good governance na siyang mandato sa pamamahala ng alkalde.