Nagkita sina Mayor Joy Belmonte at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga kamakailan sa UN Climate Ambition Summit sa New York.
Napag-usapan nila ang iba-ibang paraan kung paano pa mas mapapaigting ang pagtutulungan ng National Government at mga lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng mga hakbang para sa pangangalaga sa kalikasan, gaya ng pagbawas sa carbon emissions sa bansa.
Natalakay din ang posibleng pagkakaroon ng aktibidad para sa mga lungsod ng Pilipinas sa 2023 United Nations Climate Change Conference o COP 28 na gaganapin sa Dubai sa darating na Nobyembre.
