Ginawaran ng diploma si Quezon City Mayor Joy Belmonte mula sa ‘Legislatura de la Ciudad Autonoma de Buenos Aires’ o Legislature of the Autonomous City of Buenos Aires na kumikilala sa kanya bilang isang Guest of Honor ng lungsod ng Buenos Aires sa Argentina.

Dalawang alkalde lang ang napiling bigyan nito, bukod kay Mayor Belmonte, nabigyan din ng recognition bilang Guest Of Honor ang Mayor ng Curitiba, Brazil na si Rafael Greca.

Ginanap ito sa Eva Peron Hall sa Buenos Aires City Legislature Palace, kung saan nagkaroon din ng roundtable discussion tungkol sa mga pangunahing isyu at mga hamong kinahaharap ng pandaigdigang pamamahala.

Kabilang sa mga dumalo ay sina First Vice President LCABA, Dep. Emmanuel Ferraro, Dr. Pablo Garzonio– Undersecretary of International Relations and Institutional Cooperation, LCABA, Ab. Ornela Vanzillotta–General Director of International Relations and Cooperation LCABA, Dep. Roy Cortina at Dep. Diego Garcia-Vilas.