Congratulations, Mayor Joy!
Iginawad ng Autism Society PH kay Mayor Joy Belmonte ang prestihiyosong Hans T. Sy Leadership Award bilang pagkilala sa kanyang pagsusulong ng inklusibong komunidad para sa mga nasa autism spectrum.
Kinilala ng organisasyon ang kanyang mga programa na nagbibigay oportunidad sa mga batang may autism at kanilang mga pamilya. Kabilang dito ang QC Kabahagi Center, inclusive ALS para sa kabataang may kapansanan, at specialized employment training.
Pinagtibay pa ito ng aktibong pakikiisa ng lungsod sa World Autism Acceptance Month, pagpapalawak ng accessible digital services, at pakikipagtulungan sa iba-ibang organisasyon upang masuportahan ang mga indibidwal at kanilang pamilya.
Ang pagkilalang ito ay patunay na sa ilalim ng inklusibong pamumuno, walang naiiwan at bawat isa ay may puwang sa kaunlaran. ![]()






