Champion for Inclusive Leadership ![]()
Ginawaran ng Autism Society PH si Mayor Joy Belmonte ng Hans T. Sy Leadership Award bilang pagkilala sa kanyang matatag at tuloy-tuloy na pagsusulong ng inklusibong komunidad para sa mga nasa autism spectrum.
Sa kanyang pamumuno, naipatupad ang mga programang nagbibigay ng oportunidad tulad ng QC Kabahagi Center, inclusive ALS para sa kabataang may kapansanan, at specialized employment training.
Pinagtibay pa ito ng aktibong pakikiisa ng lungsod sa World Autism Acceptance Month, pagpapalawak ng accessible digital services, at pakikipagtulungan sa iba-ibang organisasyon upang masuportahan ang mga indibidwal at kanilang pamilya.
Personal na tinanggap ni Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Deborah Dacanay ang parangal bilang kinatawan ni Mayor Joy.
Ang Hans T. Sy Leadership Award ay iginagawad sa mga lider na may makabuluhang ambag sa adhikain ng Autism Society Philippines na isulong ang pagtanggap, pagbibigay ng akomodasyon, at pagpapahalaga sa mga taong nasa autism spectrum.










