Congratulations, Mayor Joy Belmonte!

Hinirang ng Forbes si Mayor Joy bilang isa sa 50 Sustainability Leaders sa buong mundo ngayong 2024.

Ito ay bilang pagkilala sa kanyang inisyatibo upang labanan ang climate crisis. Siya rin ang kauna-unahang alkalde na nagdeklara ng climate emergency sa bansa.

Ang Forbes Sustainability Leaders ay nagbibigay pagkilala sa mga natatanging indibidwal na nangunguna sa pagtugon sa climate crisis.