Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Kinilala si Mayor Joy Belmonte bilang isa sa mga Top-Performing, Most Trusted City Mayors sa bansa para sa unang quarter ng 2026, batay sa Boses ng Bayan Index of Governance (IOG) ng RPMD Foundation Inc.
Personal na tinanggap ni Mayor Joy ang parangal matapos makapagtala ng 88.73% IOG rating, na naglagay sa kanya sa hanay ng mga nangungunang alkalde sa national cluster.
Kasama ng alkalde na tumanggap ng parangal si former House of Representatives Speaker Sonny Belmonte.
Taos-pusong nagpapasalamat si Mayor Joy sa RPMD Foundation Inc., lalo na kina Executive Director at Global Affairs and Political Analyst Dr. Paul Martinez at Dr. Joeseff Dy ng iSTORYA at 1NewsPH, para sa pagkilalang ito.









