Natanggap na ni Mayor Joy Belmonte ang pagkilala
bilang Regional Awardee ng PRESIDENTIAL LINGKOD BAYAN AWARD.
Ito na ang ikatlong magkakasunod na taon na itinanghal na regional awardee ang alkalde para sa nasabing parangal.
Ang Certificate of Recognition mula sa Civil Service Commission (CSC) ay bahagi ng 2025 Search for Outstanding Government Workers Honor Awards Program (HAP).
Iginagawad ang pagkilala para sa mga natatanging indibidwal na nagkaroon ng pambihirang kontribusyon sa pamamagitan ng makabagong ideya at makabuluhang pagkilos partikular sa larangan ng public interest, seguridad, at pamanang-bayan.
#PresidentialLingkodBayanAward#CivilServiceCommission





