Agad dinalaw ni Mayor Joy Belmonte ang mga lumikas na residente sa Bagong Silangan bago maghatinggabi.
Inalam niya ang kundisyon ng mga evacuee, at sinigurong naaasikaso sila sa evacuation centers.
Umabot na sa 937 pamilya ang sumilong sa bagong evacuation center.
Sa kabuuan, nasa 1,322 pamilya na ang lumikas mula sa Bgy Bagong Silangan hanggang kaninang 11:00 ng gabi at kasalukuyang silang pinatutuloy sa iba-ibang evacuation sites. Pinagluto sila ng hot meals at bibigyan ng food packs ng mga tauhan ng SSDD, bukod sa susuriin ng mga health worker mula sa barangay at QC Health Department.