Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang mga QCitizen evacuees na lumikas sa iba-ibang evacuation centers, kabilang na ang mga residente sa District 4.
Kinumusta ni Mayor Joy ang kanilang kalagayan at namahagi rin siya ng relief goods.
Nasa 127 evacuees naman mula sa Barangay Roxas ang kasalukuyang kinakalinga sa Multi-purpose gym ng Barangay sa pangunguna ng District 4 Action Office sa pamumuno ni Action Officer Al Flores, at QCDRRMO.
Agad ring nagbigay ng medical supplies, gamot at serbisyong medikal ang mga tauhan ng QC Health Department sa mga lumikas.
Sanib-pwersa rin ang QCHD, District 3 Action Office sa pamumuno ni Action Officer Atty. Tommy De Castro, at QCDRRMO sa pamamahagi ng medical supplies at doxycycline para sa mga lumikas sa Quirino 2A covered court.
Nagbigay pa ng lecture sa mga residente si Nurse Julius Fulgencio ukol sa leptospirosis.




