Bilang bahagi ng selebrasyon ng International Day of the Girl Child, personal na nakadaupang-palad ni Mayor Joy Belmonte ang 30 mag-aaral mula sa QC para sa proyektong “#GirlsMonth2023: Girls Defining The Future.”
Kaisa rin sa programa sina Her Excellency Marykay Carlson of the U.S. Embassy in the Philippines, Her Excellency Laure Beaufils of British Embassy Manila, Her Excellency Marielle Geraedts of the Embassy of the Netherlands in the Philippines, at Her Excellency Marie Fontanel of Embassy of France to the Philippines and Micronesia.
Pinangunahan naman ang proyekto nina Ms. Maica Teves ng Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran Inc. (SPARK! Philippines), kaisa ang J. Amado Araneta Foundation, at Taguig City Government.
Hangad ng programa na maging empowered ang mga kabataang babae at isulong ang ligtas at inklusibong komunidad para sa lahat.
Tuwing ika-11 ng Oktubre ay ginugunita ang month-long observance International Day of the Girl Child (IDG) na may layong bigyang halaga ang mga karapatan ng mga batang babae tungo sa pagkamit ng gender equality.