HAPPY FIESTA, BAGO BANTAY!
Nakisaya si Mayor Joy Belmonte sa selebrasyon ng mga barangay sa Bago Bantay kaugnay sa kapistahan ng Sto. Niño ng Bago Bantay ngayong Linggo.
Binisita ni Mayor Joy ang mga barangay ng Alicia, Sto. Cristo, at Ramon Magsaysay upang kumustahin ang kalagayan ng mga QCitizens at mga opisyal ng mga naturang barangay.
Kasama ng Alkalde sa pag-iikot sina Majority Leader Coun. Doray Delarmente, Coun. TJ Calalay, Coun. Bernard Herrera, D1 Action Officer Ollie Belmonte, at Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz.




