Binisita at kinamusta ni Mayor Joy Belmonte ang 33 senior citizens na pansamantalang namamalagi sa Bahay Aruga – Home for the Elderly sa Barangay Holy Spirit, Don Antonio Heights.
Pansalamatalang naninirahan sa Bahay Aruga ang mga abandonadong senior citizens na sinagip ng lungsod habang hinahanapan sila ng posibleng malilipatan na mas angkop sa kanila. Habang nasa Bahay Aruga ang nasabing senior citizens, tinitiyak ng lokal na pamahalaan na natutugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan.