Dinalaw ni Mayor Joy Belmonte ang Brgy. Nagkaisang Nayon at Brgy. San Bartolome upang kamustahin ang mga taong nawalan ng tirahan dahil sa bagyong Carina.
Pinakinggan niya ang mga pangangailangan ng mga kapitan ng barangay at mga tulong na maaaring ihatid sa kanila.
Pinag-usapan din nila ang mga nasirang retaining wall na naging resulta ng pagkaanod ng mga bahay ng mga residenteng nakatira malapit sa tulay.
Nais ng alkalde na maging prayoridad sa programang pabahay ang mga residenteng nawalan ng bahay.