Binisita kagabi ni Mayor Joy Belmonte ang mga QCitizens na nasa evacuation centers sa Barangay ng Damayang Lagi, Sta. Lucia, Apolonio Samson, at CICM Missionaries upang pakinggan at alamin ang kanilang kalagayan.
Siniguro rin ng alkalde ang agarang tugon sa mga naapektuhan ng Bagyong #CarinaPH.
Agad binigyan ng lokal na pamahalaan ang mga evacuees ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng hot meals, bigas, groceries, delata, mahihigaan, at blankets.
Tuloy-tuloy pa rin ang monitoring at rescue operations ng QC Disaster Risk Reduction and Management Council upang matiyak ang kaligtasan ng bawat QCitizens sa Lungsod Quezon.