Congratulations, Batch 2024!
Libo-libong QCitizen students ang nagsipagtapos sa elementarya at senior high school sa Batasan Hills National High School, Commonwealth Elementary School, Jose V. Palma Senior High School, Balara Elementary School, at Quezon City High School ngayong araw.
Nagsilbing panauhing pandangal si Mayor Joy Belmonte sa kanilang graduation rites, at nagbigay ng kanyang mensahe para sa mga estudyante.
Ayon sa alkalde, patuloy na nakaalalay ang lokal na pamahalaan sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. Dinoble ng lungsod ang budget para sa scholarships, na magpaparami pa ng bilang ng puwedeng maging scholar ng lungsod.
Tuloy-tuloy namang isinasaayos ng lungsod ang mga pasilidad ng paaralan at nilalagyan ng mga makabago at maayos na kagamitan. Ilan dito ay ang mga LED walls, sound system, mga upuan, at karagdagang TV monitors.
Pinarangalan din ni Mayor Joy ang mga natatangi at huwarang mag-aaral ng Joy of Public Service Award.
Kasama ni Mayor Joy na bumati sa mga graduates sina Vice Mayor Gian Sotto, District 4 Rep. Marvin Rillo, Coun. Aly Medalla, Coun. Dave Valmocina, Coun. Raquel Malangen, Coun. Dr. Geleen Lumbad, Coun. Marra Suntay, at QC Schools Division Office Superintendent Carleen Sedilla.