SAFE HOMES FOR QCITIZENS! 🏠

Kinumusta nina Mayor Joy Belmonte at National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang sitwasyon ng 23 pamilyang naninirahan sa Balai Pilipino housings ng NHA sa Harmony Hills, Barangay Batasan Hills.

Sila ang mga naunang pamilyang nagkabahay at nailipat na ng lokal na pamahalaan mula sa waterways sa mga barangay ng Payatas, Commonwealth, at Batasan Hills noong nakaraang taon.

Ang 60-capacity housing units na ito ay mid rise buildings na gawa ng NHA.

Inaasikaso na rin ng lungsod ang paglipat ng mga pamilyang nakatira sa mga waterways sa QC, partikular na ang mga pamilyang lubhang nasalanta ng nagdaang Habagat at Bagyong Carina.

Dumalo sa site inspection sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Atty. Jojo Conejero ng Housing Community Development and Resettlement Department, NHA NCR-East Sector OIC Kristiansen Gotis, NHA QC District Office OIC Monn Alexander Ong, at mga kawani ng Barangay Batasan Hills.

+11