Bumisita si Mayor Joy Belmonte sa ilang solar-powered public schools sa Quezon City bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng lungsod sa paggamit ng renewable energy at paghahanda sa mga epekto ng climate change.
Kabilang sa mga binisitang paaralan ang:
Manuel Roxas High School
Carlos P. Garcia High School
Quirino High School
Camp General Emilio Aguinaldo High School
Commonwealth Elementary School
Sa pamamagitan ng paggamit ng solar energy, inaasahang makakatipid ang karamihan sa mga paaralan ng mahigit ₱1 milyon kada taon sa gastusin sa kuryente. Ang matitipid na pondo ay maaari pang ilaan sa mas dekalidad na edukasyon at pasilidad para sa mga mag-aaral.
Kasama ni Mayor Joy sina Education Affairs Unit Head Maricris Veloso, mga School Heads, mga engineer mula sa City Department of Engineering, at District Action Officers Atty. Tommy De Castro at Atty. Zandy Zacate.








