Malugod na binati ni Mayor Joy Belmonte ang mga kababaihan mula sa iba-ibang barangay na sasailalim sa pagsasanay sa Joy of Urban Farming.
Sa kanyang talumpati, binanggit ni Mayor Joy na suportado ng lungsod ang urban agriculture dahil bukod sa nakakapagbigay ito ng oportunidad, ay nakakatulong pa sa pangangalaga ng kalikasan.
Ayon pa sa alkalde, bukas ang mga pampublikong palengke sa lungsod para sa mga urban farmer na nais ibenta ang kanilang mga inaning produkto.
Sa kasalukuyan, mayroon nang lagpas 1,000 urban farms sa lungsod na nakakapagbigay ng kabuhayan sa mahigit 25,000 QCitizens.