Personal na binisita ni Mayor Joy Belmonte ang residential area sa NIA Road, Barangay Pinyahan na naapektuhan ng sunog na umabot sa ‘Task Force Bravo’.
Hinimok ng Alkalde ang mga pamilyang nasunugan na magtungo sa mga evacuation centers kung saan tuloy-tuloy ang pagtugon ng Pamahalaang Lungsod Quezon.
Nag-set up na rin ng command center sa lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga pamilyang apektado at matulungan sila sa paglikas.
Kasama ni Mayor Joy sa inspeksyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, Action Officers Atty. Zandy Zacate at Atty. Mark Aldave, Housing Community Development And Resettlement Department head Atty. Jojo Conejero, Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas, at Quezon City Police District Director PBGEN. Randy Silvio.










