Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagbigay ng opening remarks si Mayor Joy Belmonte bilang convenor ng Mayors for Good Governance (M4GG) sa idinaos na 3rd Anniversary & Leadership Summit ng M4GG kahapon.
Dumalo rin sa pagtitipon ang iba pang convenor ng M4GG na sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Isabela City, Basilan Mayor Sitti Hataman, at Pasig City Mayor Vico Sotto, at si Naga City Mayor Leni Robredo.
Patuloy na pinagtibay sa pulong ang pagsusulong at paninindigan para sa mabuting pamamahala, pagtataguyod ng integridad sa pamumuno, at pagbibigay ng tapat at nararapat na serbisyo sa taumbayan.










