Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa Mayors for Good Governance (M4GG) Assembly and Collaborative Planning kasama ang mga kapwa alkalde mula sa iba-ibang lungsod at munisipalidad sa bansa.
Nakiisa rin si Mayor Joy sa small group discussions na tumalakay sa mga kinahaharap na pagsubok ng bawat lokal na pamahalaan upang maisulong ang responsableng pamahahala. Pinag-usapan rin ang good practices na pwedeng ipagpatuloy, at kung paano naibabalanse ng mga alkalde ang tradisyunal na pulitika at good governance.
Ayon kay Mayor Joy, nais niyang lalo pang makahikayat ang M4GG Movement ng mga local chief executives at magbunga ito ng pananaig ng mabuting pamamahala sa buong bansa.




