Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte bilang convenor ng Mayors for Good Governance (M4GG) sa dayalogo kasama si Senator Francis “Kiko” Pangilinan, Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, at mga miyembro ng M4GG.
Tinalakay sa kanilang pulong ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng mga lungsod at munisipalidad pagdating sa sektor ng agrikultura at fisheries.
Kabilang sa mga iminungkahi ni Mayor Joy ang mas matibay na ugnayan at pakikipagtulungan ng bawat local government unit tungo sa food security.
Kasama sa pulong si Kaya Natin Movement Lead Convenor, Harvey Keh at mga alkalde na kasapi ng M4GG.










