Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagbigay ng opening remarks si Mayor Joy Belmonte bilang convenor ng Mayors for Good Governance (M4GG) sa isinagawang General Assembly kahapon.
Mahigit 120 alkalde mula sa iba-ibang lungsod at munisipalidad sa bansa ang dumalo sa pagtitipon na layong palakasin ang M4GG, paigtingin pa ang paglaban sa korapsyon, at pag-ibayuhin ang pagtataguyod ng mabuting pamamahala.
Kasama sa pulong ang iba pang convenors ng M4GG na sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Pasig City Mayor Vico Sotto, at Isabela, Basilan Mayor Sitti Hataman.










