Nanawagan si Education Secretary Sonny Angara sa mga lokal na pamahalaan na palakasin ang kanilang papel sa pagpapatayo at pagbabantay ng mga silid-aralan bilang paghahanda sa malawakang school infrastructure projects sa 2026.
Sa dayalogo kasama ang Mayors for Good Governance (M4GG), binigyang-diin niya ang kahalagahan ng transparency, accountability, at mas maayos na koordinasyon upang mapabilis ang paghahatid ng mga silid-aralan sa mga bata.
Kinilala rin ni Angara ang papel ng M4GG sa pagsusulong ng integridad at accountability sa lokal na pamahalaan, na mahalaga sa pagtugon sa mahigit 165,000 kakulangan sa mga silid-aralan sa buong bansa.
Dumalo sa dayalogo sina M4GG convenors na sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, bilang suporta ng mga LGU sa transparency at maayos na paggamit ng pondo para sa edukasyon.
Nakibahagi rin sa dayalogo si QC Schools Division Superintendent Carleen Sedilla.








