Isang mahalagang yugto para sa Quezon City!
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang QC-CARES Project Proposal sa kanyang final interview kasama ang Mayors Migration Council’s Global Cities Fund (GCF) Team na pinangunahan nina Samer Saliba, Sharmeen Hossain at Savaarni Sanka.
Ang QC-CARES Project Proposal ay isang inisyatiba na magbibigay ng oportunidad sa mga local at overseas domestic worker sa pamamagitan ng savings at credit cooperative.
May kasama itong skills training, mas malawak na access sa credit lines, at iba-ibang oportunidad para sa pangmatagalang kabuhayan at economic empowerment.
Ang panayam kay Mayor Joy ang final stage ng GCF deliberation, at ang resulta ay iaanunsyo sa Setyembre 2025.
Patuloy na pinapatunayan ng Quezon City na kaya ng mga lungsod na lumikha ng mga makabagong solusyon para sa OFWs at kanilang pamilya.
Salamat sa tiwala ng Mayors Migration Council at sa pagkakataong maipakita ang dedikasyon ng Quezon City para sa inclusion, empowerment, at dignidad ng manggagawa.







