BAGONG RECIPE, BAGONG DISKARTE! ![]()
![]()
Nagsagawa ang QC Kabahagi Center for Children with Disabilities ng Meat Processing Livelihood Training para sa mga magulang ng children with disabilities bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Rights Week.
Layunin ng aktibidad na matulungan ang mga pamilya ng children with disabilities na nais magkaroon ng dagdag na mapagkakakitaan.
Sa pakikipagtulungan ng Quezon City Training and Assessment Center (QC-TAC), natuto ang mga kalahok sa paggawa ng tocino, longganisa, at burger patty. Naghatid din ang Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office ng libreng starter kits na maaari nilang magamit sa pagsisimula ng kabuhayan.
Dumalo rin sa pagsasanay si QC-TAC Supervising Administrative Officer Carmel Tordesillas.










