Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa media launch ng Open Government Partnership (OGP) – Asia and the Pacific Regional Meeting na pinangunahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Nitong 2024, naging miyembro ng OGP ang Lungsod Quezon. Layunin ng OGP na isulong ang transparency, accountability, at partisipasyon ng taumbayan sa gobyerno.

Ayon kay Mayor Joy, importante ang tiwala at partisipasyon ng taumbayan sa mga programa at proyektong ipinatutupad ng gobyerno dahil ito ang susi sa kaunlaran ng lungsod.

Gaganapin sa bansa ang OGP – Asia and the Pacific Regional Meeting sa darating na Pebrero 5-7.

Dumalo sa programa sina Executive Secretary Lucas Bersamin, DBM Secretary Amenah Pangandaman, DBM Usec. Rolando Toledo, CODE NGO Executive Director Sandino Soliman, PSLINK President Dr. Annie Enrique Geron, PH-OGP Co-Chairperson Aurora Chavez, at La Salle Institute of Governance Director Dr. Francisco Magno.

+31