Nakinabang ang mga residente ng Barangay Batasan Hills sa idinaos na medical and dental caravan hatid ng Lungsod Quezon ngayong araw, Setyembre 15, sa Batasan Hills Super Health Center.
Naging pangunahing bepenisyaryo nito ang nasa 150 senior citizens at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Distrito 2.
Ilan sa mga dental services ay ang Oral Exam, Oral Prophylaxis, Permanent & Temporary Fillings at lectures upang mapanatili ang pagkakaroon ng healthy na ngipin.
Ang weeklong program na ito ay pagsuporta ng lungsod sa bayanihan efforts na bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.