Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month, nagsagawa ng medical and dental mission ang Quezon City Persons with Disability Affairs Office (PDAO) para sa mga batang nasa pangangalaga ng Bahay Kalinga.
Layon nitong mabigyan ang mga batang benepisyaryo ng libreng de-kalidad na serbisyong medikal para masigurong maayos ang kanilang kalusugan.
Katuwang sa isinagawang aktibidad ang Social Services Development Department (SSDD), Quezon City Health Department, at Philippine Children’s Medical Center (PCMC).