Agad na tumugon ang Quezon City Health Department sa mga pangangailangang medikal ng mga biktima ng sunog sa Barangay Central.
Ginamot ng mga doktor ang mga nagtamo ng sugat, at nagbigay ng libreng check-up, gamot, at bakuna sa iba pang evacuees.
Naka-standby ang QCHD para sa iba pang medical needs ng mga nasunugan na kasalukuyang nanunuluyan sa Lagoon Covered Court.




