Agad na kinalinga ng mga medical personnel ng Quezon City Health Department ang mga biktima ng sunog kahapon sa Barangay E. Rodriguez.
Mayroong medical team na nakaantabay sa evacuation area sa Carlos P. Garcia High School para agad na tumugon sa serbisyong medikal na kailangan ng mga residente.
May available ding mga gamot at maintenance medicine para sa kanila.




