Upang mas maging abot-kamay ng mga QCitizen ang quality healthcare, nakipagtulungan ang Quezon City Government sa opisina ni District 2 Rep. Ralph Tulfo para makapaglaan ng karagdagang pondo para sa mga mahihirap na pasyente ng Rosario Maclang Bautista General Hospital (RMBGH).
Pinirmahan nina Mayor Joy Belmonte, Rep. Tulfo, at RMBGH Director Richard Cabotage ang memorandum of agreement (MOA) ng Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) ngayong umaga.
Magagamit ng mga benepisyaryo ang MAIP upang makabawas sa kanilang gastusin sa gamot, laboratory procedures, at iba pang serbisyong medikal.
Binuksan na rin sa RMBGH ang Lactation Center at Outpatient Department na bunga rin ng inisyatibo ni Rep. Tulfo.
Naroon din sa programa sina Coun. Godie Liban, Coun. Aly Medalla, Coun. Rannie Ludovica, RMBGH Medical Services Division Chief Dr. Maria Rosela Espinar, Commonwealth Chairperson Maning Co, Payatas Chairperson Manny Guarin, Batasan Hills Chairperson Jojo Abad, Bagong Silangan Chairperson Willy Cara, at mga personnel ng RMBGH.







