“Ang kabataang QC, tunay na maipagmamalaki!”
Isang salu-salo ang inihanda ng lokal na pamahalaan para bigyang-pugay ang 76 na kabataang QCitizens na lumaban sa #2026PalarongPambansa.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang pagtutok ng pamahalaang lungsod sa sports bilang mainam na paraan para mahubog ang kakayahan ng kabataan.
Pinasalamatan naman ni Schools Division Superintendent Carleen Sedilla ang lokal na pamahalaan at ang City Council sa kanilang walang sawang suporta sa mga student-athlete ng QC.
Dumalo rin sa pagtitipon sina Coun. Aly Medalla, Coun. Dorothy Delarmente, Coun. TJ Calalay, Coun. Bernard Herrera, Coun. Charm Ferrer, Coun. Chuckie Antonio, Coun. Migs Suntay, Coun. Ellie Juan, Coun. Sami Neri, Chief of Staff Rowena Macatao, at department heads ng pamahalaang lungsod.










