Nagpulong ang United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) at ang Migrant Resource Center ng Public Employment Service Office (PESO) upang talakayin ang workplan para sa pagpapatupad ng Memorandum of Agreement (MOA) ng UNHCR at ng Lungsod Quezon.
Pinangunahan ni Maria Ermina “Iya” Valdeavilla-Gallardo, Head ng UNHCR Philippines, ang pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng UNHCR at QC-PESO upang pagtibayin ang mga susunod na hakbang sa pagpapatupad ng kasunduan.
Layunin ng pagtutulungang ito na magbigay ng proteksyon, inklusyon, at mga oportunidad para sa asylum seekers, refugees, stateless persons, at internally displaced persons. Kasama rin dito ang pagsasagawa ng capacity-building at information campaigns upang mapalawak ang kaalaman at pag-unawa ng mga komunidad tungkol sa kanilang kalagayan.
Sa Quezon City, patuloy nating isinusulong ang isang inklusibo, makatao, at pantay na oportunidad para sa lahat.
PHOTOS: UNHCR/Mohadz Abdulkasan










