Upang magkaroon ng maayos, malinaw at transparent na proseso ang pagpapatayo ng mga infrastructure programs sa QC, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kasama sina City Administrator Michael Alimurung, Secretary to the Mayor RJ Belmonte, District 1 Rep. Arjo Atayde, District 2 Rep. Ralph Tulfo, District 5 Rep. PM Vargas, District 6 Rep. Marivic Co-Pilar at mga kinatawan nina Rep. Franz Pumaren at Rep. Marvin Rillo.

Nanguna sina Atty. Dale Perral ng City Engineering Department, Ms. Fe Bass ng General Services Department, at ang pamunuan ng Infrastructure Committee sa pagtalakay ng mga kinakailangang dokumento tulad ng pag-acquire ng Certificate of Coordination bago makapagpatayo ng mga gusali o anumang proyektong pang-imprustruktura sa siyudad.

Nais ding siguruhin ng alkalde na higit na makatutulong sa mga QCitizen ang mga ipapatayong gusali ng pamahalaan at walang masasayang na pondo sa pagpapagawa ng mga ito.

May be an image of 5 people, people studying and text
May be an image of 10 people, people studying and table
May be an image of 15 people, people studying and table
May be an image of 6 people