Alinsunod sa direktiba ni Mayor Joy Belmonte, inihahanda na ng lokal na pamahalaan ang paglulunsad ng Infrastructure Project Management System (IPMS) upang isapubliko ang detalye ng bawat infrastructure project ng Quezon City Government.
Lalamanin ng digital dashboard na mapapabilang sa QC-eServices portal ang status ng mga proyekto, project details tulad ng start and completion dates, cost, location, at contractors na may hawak ng proyekto.
Nakibahagi sa pulong sina City Administrator Mike Alimurung at City Engineer Atty. Dale Perral.








