Abante, Babae!
Itatayo ang Tandang Sora Women’s Museum sa Quezon City bilang pagkilala sa “Ina ng Katipunan at Himagsikan” na si Melchora Aquino de Ramos o mas kilala bilang Tandang Sora.
Ang Museum ay magiging lugar pasyalan kung saan matatagpuan ang talambuhay ni Tandang Sora at kung bakit siya tinawag na “Ina ng Katipunan at Himagsikan”.
Dito rin makikita ang iba-ibang kwento ng kababaihan at kanilang ambag upang makamit ang kalayaan ng bansang Pilipinas.
Nagpulong ang Quezon City Government, Tandang Sora Research Team, at ARC LICO upang maging matagumpay ang pagpapatayo nito.