Pinaunlakan ni Mayor Joy Belmonte ang hiling ng 14-anyos na Argentinian na si Timoteo Zorilla Manzo na makaharap siya para alamin ang mga bagay tungkol sa Quezon City.

Sumulat si Timoteo kay Mayor Joy at sinabing naging mas interesado siya sa diplomasya at international relations mula noong ganapin sa kanilang bansa ang G-20 Summit.

Kaya sa kanilang paghaharap kasama ang Quezon City officials at lola ni Timoteo, naging paksa ang mga ginawa ni Mayor Joy, at maging ang mga polisiya at programa ng lungsod Quezon.

Pangarap ni Manzo na maging diplomat balang araw, at katunayan, nakadaupang-palad na niya ang 65 na ambassadors ng Argentina.