Nakipagpulong kay Mayor Joy Belmonte ang mga kinatawan ng Asian Development Bank (ADB) upang alamin ang mga serbisyo ng Quezon City Protection Center.
QCPC ang napili ng ADB na maging modelo para sa pagbubuo ng one stop crisis center sa mga probinsya at syudad sa Thailand. Bibisitahin ng mga delegado ng Thailand ang QCPC para i-benchmark at i-replicate sa kanilang lugar.
Ang QCPC ay nagsisilbing one-stop-shop at tanggapan para sa mga bata, kababaihan, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community na nakararanas ng karahasan at pang-aabuso.
Kasama ni Mayor Joy sa meeting sina Claire Luczon, Randy Dacanay, at Maya Tamayo mula sa ADB at QC Gender and Development Council TWG Head Janet Oviedo.