Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa AGC Power Holdings Corporation (AGC PHC) kasama sina Chairman and CEO Archie Carrasco at Chief Business Officer Randolf Palanca.
Tinalakay sa pulong ang kolaborasyon upang maibahagi sa publiko ang mga natatanging kwentong puno ng inspirasyon mula sa Lungsod Quezon.
Kasama dito ang mayamang kasaysayan ng lungsod, tourism attractions, iconic events, gastronomic delights, green initiatives, at urban culture ng QC.
Ang AGC PHC ay ang pinakamalaking lifestyle media holding company sa bansa na sumasaklaw sa media powerhouses na Omega Group, Mega Global Group, at Modern Media Group.
Ilan sa mga popular nilang magazines ay ang Delish Philippines, Lifestyle Asia, BluPrint, Modern Parenting, Rolling Stone, Vogue Philippines, at iba pa.
Kasama sa pulong sina Local Economic Development and Investment Promotions Office head Jay Gatmaitan, Tourism Department head Giana Barata, at Councilor Chuckie Antonio.










