Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang Airspeed Group sa Quezon City ngayong araw.
Tinalakay nila ang mga tulong na maaaring ibigay sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa lungsod, katulad ng business consultation at pagsasaayos ng government-required documents ng ating mga negosyante.
Sa paraang ito, mas mabibigyan ng kumpiyansa ang ating Qcitizens na magtayo at mag-umpisa ng negosyo sa lungsod.
Dumalo rito sina Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO) head Mona Yap, Local Economic Investment and Promotions Office (LEIPO) head Jay Gatmaitan, at mga kinatawan ng Airpseed na sina Mr. Rene Reinoso, Mr. Alejandro Miñana, at Ms. Krystal Gay Octaviano.