Nakipagpulong sa lokal na pamahalaan ang mga kinatawan ng Altius Inspiro Inc kahapon.
Sa kanilang meeting kay Mayor Joy Belmonte at Local Economic Investment Promotions Office (LEIPO) – Investment and Promotions Division Chief Jong Sumpaico, ipinahayag ng kumpanya ang kanilang hangarin na magbigay ng suporta sa mga kasalukuyang programa ng lungsod para sa mga QCitizen.
Kabilang dito ang pagbubukas ng maraming trabaho at oportunidad, at outreach initiatives sa mga institusyon ng lokal na pamahalaan. Handa rin silang mag-donate ng mga kagamitan sa mga komunidad.