Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Ambassador Wallace Chow ng Taiwan Economic and Cultural Office. Pinag-usapan sa meeting kung paano makatutulong ang Taiwan sa pagpapaunlad ng urban farming program ng Lungsod Quezon.
Inimbita ni Ambassador Chow ang Quezon City Government sa kanilang smart demo farm sa Tarlac upang ipakita at ibahagi ang iba-ibang teknolohiya na maaaring magamit sa mga urban farm sa lungsod.
Pinag-usapan rin ang pagbubuo ng training modules para sa ating mga urban farmers.

