Nakipagpulong ang QC Veterinary Department sa iba-ibang animal welfare groups at mga kinatawan ng Araneta City tungkol sa rescue operation ng mga alagang hayop sa Araneta City, Cubao kamakailan.
Nilinaw ng City Vet na tumupad lamang sila sa kanilang tungkulin, base sa sulat sa kanila na magsagawa ng operasyon sa lugar.
Hinimok ng lokal na pamahalaan ang Araneta management at animal welfare groups na mag-usap at bumalangkas ng plano ukol sa isyu ng stray at community cats and dogs. Bukas ang City Veterinary Department na tumulong sa dalawang panig.
Napagkasunduan na magkakaroon ng mas mahigpit na ugnayan ang Araneta City at animal welfare groups sa pangangalaga ng mga hayop sa lugar.
Kaakibat nito ang pagbibigay-halaga sa kaligtasan at kapakanan ng mall goers.
Dumalo sa pulong ang mga kinatawan ng Cats of Araneta, CARA Welfare Philippines, Biyaya Animal Care, Animal Kingdom Foundation, at ang Marketing Department ng Araneta City.




