Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pulong kasama si Anya Lim, Co-Founder ng ANTHILL Fabric Gallery, upang talakayin ang expansion ng Circularity, Textile Recycling, and Innovation Hub sa Quezon City.
Tinalakay ang plano para sa pagpapalawak ng hub, na naglalayong maparami ang oportunidad para sa artisan communities at maisulong ang sustainable fashion at circular economy.
Nakiisa sa pulong sina Mona Celine Yap ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office at Andrea Villaroman ng Climate Change and Environmental Sustainability Department.










