Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte, Architect Gerard Lico, at QC Tourism Department OIC Giana Barata, upang talakayin ang mga plano para sa itatayong Cinema Museum of the Philippines sa Lungsod Quezon.
Ang proyekto ay layong bigyang pugay ang sining at industriya ng pelikulang Pilipino.
Tampok sa museo ang kasaysayan ng pelikula sa bansa, mga natatanging obra, at mga kontribusyon ng mga Pilipinong alagad ng sining sa larangan ng pelikula.
Bilang UNESCO Creative City of Film, patuloy na pinangungunahan ng Quezon City ang mga inisyatiba upang buhayin, ipagmalaki, at ipamana ang yaman ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pelikula.









