Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at mga kinatawan ng Asian Development Bank (ADB) upang talakayin ang Make Manila More Maganda (M4) program.
Ang M4 initiative ay may layon na bigyang solusyon ang mga urban challenges sa lungsod tulad ng isyu sa transportasyon, peace and order, climate change, paninirahan, at marami pang iba.
Ipinaliwanag nina Senior Sector Planning Specialist at M4 Initiative Lead, Mr. Navin Twarakavi at IDEO Regional Director for Southeast Asia Ms. Bea Camacho ang mga proposed projects na nakasaad sa M4 program.
Nakiisa sa pulong sina City Planning and Development Department OIC Jed Gomez, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, at District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro.
Kasama rin sa pulong sina Parks Development and Administration Department Arch. Red Avelino at Local Economic Investment and Promotions Office head Jay Gatmaitan.